Follow Us

Community Service

BATELEC II BLOOD DONATION PROGRAM

MULING NAGING MATAGUMPAY

MULING naging matagumpay ang isinagawang Sagip Buhay:Blood Donation Program ng Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II) nitong nakaraang ika-30 ng Mayo, 2014 na isinagawa sa BATELEC II Main Office, Antipolo del Norte, Lipa City sa pakikipagtulungan na rin ng Lipa City Health Office at ng Mary Mediatrix Medical Center (MMMC).

            Sa nasabing programa, nakalikom ang BATELEC II ng 56 na 450cc bags ng dugo mula sa mga boluntaryong donors mula sa empleyado ng BATELEC II at miyembro-konsumedores ng Kooperatiba. 

            Ang mga nalikom na bags ng dugo ay ilalaan naman sa mga pasyente ng Cancer Warriors Foundation kung saan karamihan sa mabebenipisyuhan ay mga bata na may sakit na Leukemia.

            Bilang pasasalamat ng BATELEC II sa mga blood donors, isang “full meal”, at balot ipinagkaloob sa kanila para sa lubusang pagrecover ng mga volunteer donors.  Nakipag ugnayan naman ang Member Consumer Services and Public Relation Department (MCSPRD) sa Administrative Services Department (ASD) upang pahintulutan ang lahat ng mga empleyadong blood donors na maka-uwi matapos makapagpakuha ng dugo para sa agaran nilang pagbawi ng lakas.

            Nakatakda namang isagawang muli ng BATELEC II ang Blood Donation Program na ito sa ika – 26 ng September, 2014 (Friday) mula ika-8:00 ng umaga – ika 2:00 ng hapon sa Punong Tanggapan ng        BATELEC II.