The Batangas II Electric Cooperative, Inc.(BATELEC II), is one of the two (2) Electric Cooperatives that distribute electricity to Batangas province with its principal office at Antipolo del Norte, Lipa City. It was organized and duly registered with the National Electrification Administration(NEA) on Aug 12, 1977.
BAPA CONVENTION AT AWARDING NG BEST PERFORMING BAPA MATAGUMPAY!
Matagumpay na naidaos ng Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II) ang Barangay Power Association (BAPA) Convention at awarding ng Best Performing BAPAs nitong nakaraang ika-13 ng Disyembre, 2016 na ginanap sa BATELEC II Covered Court, Antipolo del Norte, Lipa City.
Dinaluhan ito ng 974 opisyales ng BAPA mula sa iba’t ibang lugar na nasasakupan ng BATELE C II. Nagsimula ang programa 1:30 ng hapon sa pamamagitan ng isang dasal na pinangunahan ng Area 3 Manager Ma. Zelda ML Subol. Malugod namang tinanggap at pinasalamatan ni Board Treasurer Dakila P. Atienza ang mga opisyales ng BAPA sa kanilang pagdalo at pakikiisa sa nasabing programa. Nagbigay din ng mensahe si Board President Ruperto H. Manalo at ipinaabot ang kanyang taos pusong pasasalamat sa patuloy na pakikiisa ng BAPA sa BATELEC II.
Nagbigay naman ng isang mensahe at pasasalamat si G. Guillermo M. Paz, Division Manager for Electric Distribution Utilities Consumer & Development Protection ng National Electrification Administration (NEA) para sa mga opisyales ng BAPA na mga nagsipagdalo.
Kasabay din ng convention na ito ay ang awarding ng Cow Raising Project ng BATELEC II. Isinagawa ang pigpili sa 2 beneficiaries sa pamamagitan ng raffle kungsaan napagwagian ng BAPA Palakpak 1 ng Palakpak Rosario (Romeo Banaira – BAPA Chairman) at ng BAPA Leviste 2, Leviste ng Rosario (Rene Zara – BAPA Chairman). Naging tagapagsalita naman si G. Edwin O. Sanchez, Mager ng Batangas Dairy and Multi-purpose Cooperative (BADACO) upang magbigay inpormasyon at paliwanag hinggil sa mga tamang pamamaraan sa tamang paga-alaga at pagmementena ng inaalagaang baka hanggang sa tamang prosesa sa pagbubuntis at panganganak nito.
Naiuwi naman ng BAPA Batsilyer 1 & 1A ng Bulihan, Rosario ang unang gantimpala bilang Best Performing BAPA ng taong 2015 kungsaan nakatanggap sila ng halagang Php50, 000.00 insentibo.
1st Place - Batsilyer 1 & IA, Bulihan, Rosario - 88.50% - Php50,000.00
2nd Place -San Benito West 1-1A-1B, San Benito, Lipa City - 87.75% - Php30,000.00
3rd Place - Buhay na Sapa 4B, Buhay na Sapa, San Juan - 87.13% - Php20,000.00
4th Place - Sico 1, Batangas City - 86% - Php15,000.00
5th Place - Nazi 1-2-3, Nazi, Rosario - 85.25% - Php10,000.00
6th Place - Timbugan 3, Sto. Toribio, Lipa City - 84% - Php5,000.00
7th Place - Banjo West 2 & 3, Banjo West, Tanauan City - 83.7% - Php5,000.00
8th Place - Malaking Pulo, Tanauan City - 83% - Php5,000.00
9th Place - Buhay na Sapa 4 East, Buhay na Sapa San Juan - 82.88% - Php5,000.00
10th Place - Poctol 6, Poctol, San Juan - 82.75% - Php5,000.00
11th Place - Salao 1-2-3-5-6-8, Salao, Rosario - 82.50% - Php2,000.00
12th Place - So. Looban, Malimatoc 1, Mabini - 82.38% - Php2,000.00
13th Place - Calubcub 1C, San Juan - 81.75 % - Php2,000.00
14th Place - Wawa 1, Tanauan City - 81.63% - Php2,000.00
15th Place - Sta. Cruz 1, Rosario - 81.25% - Php2,000.00
16th Puting Buhangin 2, San Juan - 80.63% - Php2,000.00
17th Place - Banjo West 1, Tanauan City - 80.50% - Php2,000.00
17th Place - Janao-janao 2, San Juan - 80.50% - Php2,000.00
18th Place - Culit 1 & 2, Cuenca - 79.25% - Php2,000.00
19th Place - Quipot 1B, San Juan - 78.63% - Php2,000.00
Lubos ang pasasalamat ni General Manger Octovaious M. Mendoza sa muli nilang pagdalo at pakikiisa sa ginanap na BAPA Convention. Hindi aniya matatawarang ang tulong na ibinibigay ng mga taga BAPA sa bawat operasyon ng BATELEC II. Hinikayat niya ang mga ito na mas paigtingin ang pamamahala at pagpapaganda sa mga BAPA sapagkat malaking tulong ito sa bawat miyembro nito.
TREE PLANTING PROGRAM NG LIPA CITY CENRO
SINUPORTAHAN NG BATELEC II
Lumahok ang Batangas II Electric Cooperative Inc. o BATELEC II sa isinagawang Tree Planting Activity na may Temang “Magtanim at Lumanghap ng Sariwang Hangin sa Bundok Malarayat” ng Lipa City Hall sa pangunguna at suporta nina Hon. City Mayor Meynardo A. Sabili at Gng. Bernadette P. Sabili. Pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO ang nasabing proyekto bilang bahagi at pakikiisa ng Lungsod ng Lipa sa paggunita ng Clean Air Month ngayong taong ito. Isinagawa ang Tree Planting Activity sa Malarayat Forest Reserve sa Barangay ng Malitlit, Lipa City ngayon ika-2 ng Disyembre 2016, ganap na ika5:30 ng umaga.
Nagpadala ng 9 na kawani ang BATELEC II bilang mga representative sa nasabing isasagawang tree planting activity. Ito ay sina Louie M. Montenegro; Rommel M. Laqui; Eufrosina Padilla; Faustino Diamali; Marlon Pesa; Gear-ar Lacad; Carlito Malaluan; Eldefonso L. Lalusin at Regin Rex Morete.
(043) 756-1424 (043) 756-6337 (043) 981-1865 to 68
Batangas II Electric Coopeative
Antipolo Del Norte
Lipa City, Batangas
Philippines 4200
admin@batelec2.com.ph