Follow Us

Community Service

BRIGADA ESKWELA NG BATELEC II, ISINAGAWA

             ISINAGAWANG muli Batangas II Electric Cooperative, Inc.  (BATELEC II) ang kanilang programang Brigada Electric Check nitong nakaraang ika-19 – 24 ng Mayo, 2014.

            Ang nasabing programa ng BATELEC II ay isinagawa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng taunang Brigada Eskwela Week ng Department of Education (DepEd) kung saan ito ay isang paghahanda para sa muling pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

 

            Nagsagawa ang BATELEC II ng mga pagkukumpuni at pagpapalit ng mga kagamitang pang elektrisidad gaya ng mga saksakan, sirang linya, kuntador, bumbilya (CFL), switch, circuit breaker, receptacle at maraming pang ibang kagaya nito.  Lubos naman ang pasasalamat ng mga Guro sapagkat anila, ay malaking kabawasan ito sa kanilang gastusin para sa pagpapa-ayos ng kanilang silid aralan.  Dagdag pa nila, na malaking kaginhawaan ito para sa mga mag-aaral upang maging komportable sila sa bawat oras ng kanilang pag-aaral. 

 

            Nakapagbigay benepisyo sa programang ito ang BATELEC II sa may 26 na Pampublikong Paaralan sa buong nasasakupan nito.

LUNGSOD / MUNISIPALIDAD

PAARALAN (Benipisyaryo)

ALITAGTAG

Ping-as Coral Elementary School

 

Dalipit West Elementary School

BALETE

Solis Elementary School

CUENCA

Emmanuel Elementary School

LAUREL

Gulod Elementary School

 

Buso-buso Elementary School

LIPA CITY

Pangao Elementary School

 

Bulaklakan Elementary School

 

San Guillermo Elementary School

MABINI

Mabini Central School

MALVAR

San Isidro Elementary School

 

Bilucao Elementary School

MATAASNAKAHOY

Santol Elementary School

 

Calingatan Elementary School

PADRE GARCIA

Tangob, Elementary School

ROSARIO

Alupay Elementary School

 

Bulihan Elementary School

 

Mavalor Elementary School

 

Masaya Elementary School

 

Balibago Elementary Sachool

SAN JOSE

Pinagtung-olan Elementary School

 

Taysan Elementary School

SAN JUAN

Puting Buhangin Elementary School

TALISAY

Sampaloc Elementary School

TANAUAN CITY

Talaga Elemtary School

TAYSAN

Sto. Niño Elementary School

           

Ang nasasakupan ng BATELEC II ay Alitagtag, Balete, Cuenca, Laurel, Lipa City, Lobo, Mabini, Malvar, Mataasnakahoy, Padre Garcia, Rosario, San Jose, San Juan, Talisay, Tanauan City, at Taysan.